Sa pagiging bukas sa kanyang SALN, pinahalagahan ni Eleazar transparency at accountability sa mga opisyal ng gobyerno

Sa pagiging bukas sa kanyang SALN, pinahalagahan ni Eleazar transparency at accountability sa mga opisyal ng gobyerno

Ni Tracy Cabrera

Si Partido Reporma senatorial bet Guillermo Eleazar kasama ang kanyang maybahay na si Rosalie ‘Lally’ Hernandez matapos maghain ng kanyang certificate of candidacy (CoC) sa Commission  on Elections nitong Lunes, Nobyembre 15. (Larawan mula sa General Eleazar’s Media Friends)

MANILA — Sa pagnanais na mapalaganap ang transparency sa kanyang mga kasamahang kandidato sa nalalapit na halalan sa susunod na taon at maging ehemplo na rin sa lahat ng mga opisyal ng pamahalaan, hinayag ni Partido Reporma senatorial bet Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar ang kanyang pagpayag na isapubliko ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN)—manalo man o matalo sa kanyang pagtakbo na maging miyembro ng Senado.

Alam na ang mga posibilidad sa ngayon ay maaaring magbigay daan sa kanya o pumigil para makapagsilbi pa sa sambayanang Pilipino, pinaramdam ni Eleazar na hindi mahalaga para sa isang indibiduwal kung opisyal siya o hindi para ipakita na siya ang tapat at may integridad sa pamamagitan ng pagtangging ipakita ang kanyang SALN para suriin ng mamamayan at publiko.

Sinang-ayunan din ng ika-26 na hepe ng Philippine National Police (PNP) ang kahalagahan ng transparency at gayun din ang karapatan ng batawt mamamayang Pilipino na magkaroon ng access sa impormasyon, lalo na sa mga bagay o usaping kinabibilangan ng mga halal na pinuno ng bansa.

Kasunod ng mahigit na tatlong dekada ng serbisyo sa pambansang pulisya, kanyang idiniin na ang accountability ay napakahalaga rin sa tapat na paglilingkod sa publiko dahil pinapakita nito kung gaano karesponsable ang isang opisyal sa larangan ng pamamahala at administrasyon.

“Bukas at handa ang inyong lingkod na isapubliko ang aking SALN kung tayo man ay mahalal bilang senador. Nang tinanggap natin ang hamong tumakbo sa darating na halalan, alam natin na kaakibat nito ang pagiging tapat sa publiko sa lahat ng pagkakataon,” aniya.

“Wala naman tayong itinatago sa ating mga kababayan dahil malinis ang intensyon natin sa ating pagtakbo at ito ay ang hangarin pa rin nating maglingkod sa kapwa. Noong tayo ay nasa PNP pa, lagi nating sinasabi na hindi natin hahayaan ang korapsyon o iregularidad at ngayong papasok tayo sa larangan ng politika, ito pa rin ang paniniwalang ating pinanghahawakan,” dagdag pa nito.

Bilang huling salita, nilarawan ng pambatong senador ng Partido Repormana ang mga pagbabawal sa SALN bilang polisiya salungat sa sistemang demokratiko ng ating bansa na sinusulong ang public transparency at accountability at tinukoy niya na sa ilalim ng Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, ang mga opisyal at kawani ng gobyerno “ay mayroong obligasyon na magsagawa at magsumite ng mga deklarasyon ‘under oath’, at may karapatan ang publiko na malaman ito, ng kanilang assets, liabilities, net worth at financial at business interest kabilang na rin ang sa kanilang asawa at mga anak.”

(ai/mtvn)

Leave a Reply