Eleazar, dumarami na ang suporta

Eleazar, dumarami na ang suporta

Ni Tracy Cabrera

File photo ng kareretiro lang na PNP chief Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar. (Photo: Rappler)

MANILA — Kasunod ng padeklara ng suporta ng mgabgrupo ng manggagawa kay Partido Reporma senatorial bet Guillermo Eleazar, dumagsa pa ang suporta ng mga Pinoy sa kandidatura ni dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar sa pagkasenador.

Ayon sa pinakahuling balita, maging si foreign affairs secretary Teodoro ‘Teddy Boy’ Locsin Jr. ay nagsasabing ang pagpasok ni Eleazar sa politika ay magandang senyales dahil ang bansa ang panalo dito sa planong pagsulong ng retiradong heneral ng mga reporma sa PNP atvgayun na rin sa buong bansa.

“I won’t wish you luck Gen. Eleazar. The victory of a man of your quality shouldn’t be left to luck. I wish our country luck that you win,” ani Locsin.

“You showed it can be done: Police power as it should be to achieve its purpose of public’s security and society’s peace,” dagdag pa ng beteranong ring msmamahayag na ngayo’y kalihim sa administrasyong Duterte sa kanyang Twitter post.

At hindi lamang si Locsin ang nagbigay suporta sa pagtakbo ni Eleazar kundi marami pang mga Pinoy sa lahat ng antas ng pamumuhay, tulad ng mismong mga pamilya ng biktima ng tinatawag na extrajudicial killing (EJK) at mga grupo ng mga operator at tsuper ng mga pampubliko sasakyan ay nagdeklara na tutu Long na makapasok sa Senado ang pambato ng Partido Reporma.

“Kaya sa darating na Mayo 9, ireserba n’yo na mga kosa ang isang slot sa 12 Senador kay Eleazar. Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?” wika ng isa sa mga kapanig na bumubuo ng General Eleazar’s Media Friends.

“Sa kanyang liderato ng PNP, maraming proyekto na ipinatupad si Eleazar na naging daan para mabilis na nanumbalik ang tiwala ng mga Pinoy sa ating kapulisan. Inamin ni ex-PNP chief na mahirap itong panibagong hamon na kanyang haharapin subalit iginiit n’ya na wala namang madali sa pakikibaka sa buhay,” dagdag ng beteranong kolumnistang si Non Alquitran ng Pilipino Star Ngayon.

Nang usisain si Eleazar kung bakit nagdesisyon s’yang pasukin ang politika, ito ang naging tugon nito: “Napakadaling sabihin na kaya gusto kong tumakbo ay para makatulong sa ating mga kababayan at ipagpatuloy ang pagsisilbi bilang lingkod bayan. But for me, it all boils down into the deep connection between the real motivation and the capability to deliver from that motivation.”

(IA/MTVN)

Leave a Reply