PNP Bicol pinuri ni Eleazar sa dagliang aksyon sa binulag na sarhento

PNP Bicol pinuri ni Eleazar sa dagliang aksyon sa binulag na sarhento

Ni Tracy Cabrera

Si Partido Reporma senatorial bet Guillermo Eleazar. (Larawan mila sa General Eleazar’s Media Friends)

MANILA — Sa pabigay pansin sa mabilis na aksyon ng Police Regional Office 5 i(PRO 5) sa pagkakabugbog ng isang non-commissioned officer sa kamay ng senior police official, tinaon ni Partido Reporma senatorial aspirant Guillermo Eleazar na pahalagahan ang pagpapaigting ng Internal Cleansing Program (ICP) ng PNP at pagsasagawa ng mga reporma at pagbabago sa police service.

“Sa ganitong mga panahon na nakikita natin kung gaano kahalaga ang pagpapalaganap ng disiplina at propesyonalismo sa hanay ng a ring kapulisan at buong organisasyon ng pambansang pulisya para maiwasan ang mga mabibigat na problems tulad ng nangyari kay Master Sergeant Ricky Brabante at mahubog ang PNP para maipagmalaki natin dahil handa laging magsilbi at magbigay proteksyon,” pinunto ni Eleazar sa paggunita sa kanyang nagawang motto ng Quezon City Police District na “Proud to be QCPD.”

Kasunod ng pambubugbog kay Brabante at kautusan para sa masusing imbestigasyon mula sa bagong PNP chief na si Lieutenant General Dionardo Carlos, nakipagugnayan agad si PRO 5 director Brigadier Gen. Jonnel Estomo sa hepe ng Aviation Security Group para Alison sa puwesto ang bumugbog sa biktima na si Colonel Dulandan Dulnoan Dinamling Jr., bilang hepe ng Aviation Security Unit 5 (Aviation 5) ng PNP.

“Lubos ang pagkalungkot ng buong hanay ng PNP Bicol sa insidente ng pananakit ng isang ranking officer laban sa isa sa mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB 5) sa pagdiriwang ng kaarawan sa Camp Ola nitong Nobyembre 12, 2021,” wika ni Estomo kaugnay ng nakakabahalang insidente na naganap sa pagdiriwang ng kaarawan ni RMFB 5 group director Col. Clarence Gomeyac at nagresulta sa pagkabulag ng kanang mata ni Brabante.

“Kaugnay nito, maging ang battalion commander ng RMFB ay na relieve din sa kanyang posisyon. Samantala, si PMSG Brabante naman ay kasalukuyang nagpapagaling mula sa kakatapos lamang na operasyon. Kinailangan tanggalin ang kanyang kanang mata upang maiwasan ang maaring maging komplikasyon nito,” aniya.

Idinagdag ng direktor ng PRO 5 na pinaubaya niya na kay Brabante para magdesisyon kung sasampahan niya ng reklamo si Dinamling subalit gayun pa man ay maghahain pa rin ang PNP ng mga kasong administratibo laban sa suspek. (ai/mtvn)

Leave a Reply