Nurses United party-list nag-rally sa Comelec, nanawagang makamtan na pandemic benefits

Nurses United party-list nag-rally sa Comelec, nanawagang makamtan na pandemic benefits

Nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng Commission on Elections sa Palacio del Gobernador building sa Gen. Luna St., Intramuros, Maynila ang mga nurses at iba pang health workers na ngayo’y itinuturing na mga bagong bayani sa gitna ng pandemya.

Ang masaklap ay anila nanatiling mababa pa rin ang pasahod sa kanilang hanay maliban pa sa hindi malamang kadahilanang kung bakit hindi maibigay-bigay ang kanilang COVID-19 benefits.

Binatikos din ng presidente ng grupo ng nurses na si Maristela Abenojar ang Department of Health dahil ayon sa kanila mistulang ito ang humahadlang sa kanilang mga COVID-19 benefits para sa taong 2022 kasabay ng panawagang suportahan ang kanilang Nurses United partylist na makapasok sa 19th Congress.

(Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply