Eleazar dumalaw sa burol ng tanyag na ‘photog’ ng Phil Star na si Boy Santos

Eleazar dumalaw sa burol ng tanyag na ‘photog’ ng Phil Star na si Boy Santos

Si dating PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na ngayo’y tumatakbong senador ay dumalaw sa brurol ng yumaong batikanong photographer ng Philippine Star na si Felicer “Boy” Santos sa La Funeraria Novaliches, Quezon City.

Bakas sa mukha ang labis na kalungkutan ng dating Top Cop na binansagang “Darling of the Press si Gen.Eleazar dahil sa kabaitan at pakikisama sa media.

Ayon sa mga kaanak ng yumao, naka-takdang i-cremate ang kanyang mga labi sa darating na Huwebes (Nov. 25 2021). Kasalukuyang nakaburo ang mga labi ni Santos sa Orchids Chapel ng naturang punerarya.

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply