1 patay, asawa kritikal sa pamamaril ng riding in tandem

1 patay, asawa kritikal sa pamamaril ng riding in tandem

MANILA — Isa ang patay habang sugatan at kritikal ang asawa nito makaraang tambangan ng umanoy riding in tandem sa 5th ave. Grace Park Caloocan City.

Dead on the spot si Penencio Daccuro, residente ng GML Village, Dalandanan Valenzuela habang kritikal ang asawa nito na Jenelyn Bacurro makaraang tumagos ang bala na tumama sa kanyang asawa.

Ligtas naman ang dalawa pang mag-asawa na nasa bandang likuran ng mga biktima sa sinasakyan nilang Hi-Ace van na may plakang NDA 8853.

Ayon sa ng pamangkin ng biktima, pasado alas 8:00 ng gabi ng galing sila ng Divisoria habang tinatahak nila ang Rizal Avenue at 5th Avenue Caloocan, kumanan para mag U-turn nalang sa tapat ng La Loma pero bago makarating ng C3 ay dinikitan sila ng riding in tandem saka pinaputukan na tumama sa kanag leeg ng biktima at tumagos sa asawa.

Sa halip na mag U-turn ay naapakan ng biktima ang silinyador kaya dumiretso sa center island hanggang humingo sa kanto ng MH Del Pilar kanto ng C3.

Patuloy pa ang imbistigasyon ng Caloocan PNP sa naganap na pamamaril.

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply