Budol suspek timbog

Budol suspek timbog

Nakapiit ngayon sa kulungan ng PCP 3 PS-1 Laloma Quezon City ang suspect na si Mary Grace Entefani Olivez (23) matapos maaktuhan umano ng anak ng kanyang among nililimas ang mga alahas at pera na nagkakahalaga ng ₱264,260 nito sa loob ng kanilang bahay sa Unit #77 Dapitan St. Brgy. Lourdez, Quezon City.

Ang suspect ay kasambahay ng mga biktima na ayon sa kanya nagawa n’ya raw ito dahil may tumawag daw sa kanya na ang kanyang amo ay naaksidente at iniutos daw ito sa kanyang gawin na hindi naman tinanggap ng kapulisan ang palusot ng suspect.

(Peter lacang/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply