Kababaihan ng Pililla nangako ng pagsuporta sa kandidatura ni Cong Omar Fajardo

Kababaihan ng Pililla nangako ng pagsuporta sa kandidatura ni Cong Omar Fajardo

Ang mga lider ng kababaihan ng Pililla sa isang souvenir photo kasama si Cong Omar Fajardo at asawang si DTI Assec. Ameenah Fajardo

PILILLIA, Rizal 2D — Nangako ng walang pag-iimbot at buong katapan ng pagsuporta sa kandidatura ni Cong. Omar Fajardo bilang kauna-unahang kongresista ng Bagong Second District ng Rizal ang hanay ng mga kababaihan ng bayang ito.

Nakiusap silang huwag sanang banggitin ang kani-kanilang mga pangalan sa pahayagan ngunit buong puso silang nangako ng pagsuporta sa isang pulong nila sa dating OFW Party-list Representative na sinamahan ng kanyang butihing maybahay na si Assec. Ameenah Fajardo ng Department of Trade and Industry.

Kasama sa plataporma ni Cong. Fajardo ang mas paigtingin pa ang sumisikat na eco-tourism opportunities ng bagong distrito upang aniya makapag-bigay ito ng mas maraming trabaho at negosyo sa mga residente.

Karampatang pagtutok din aniya ang kailangan sa mga imprastraktura, farm to market roads, kalusugan ng distrito, edukasyon sa kabataan, at iba pa, sakalaing palarin at pagbigyan siya ng oportunidad magsilbi sa mamamayan ng bagong distrito.

Ang Pililla ay isa lamang sa pitong (7) bayan na bumubuo sa bagong distrito ng Rizal. Ang iba pa rto ay Morong, Cardona, Teresa, Baras, Tanay at Jala-Jala. (ai/mtvn)

Leave a Reply