P3.5-M halaga ng meth timbog sa Navotas

P3.5-M halaga ng meth timbog sa Navotas

ARESTADO ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU)
katuwang ang Special Weapons and Tactics (SWAT) at Intelligence
Section ng Navotas City Police ang dalawang suspek na kinilalang sina
Jojian Laride (41) at John Michael Esguerra (40) matapos ang isinagawang
buy-bust operation sa M. Naval St., Barangay NBBS Proper, Lungsod ng
Navotas.

Nakumpiska ang tinatayang nasa 525 gramo ng hinihinalang “shabu” na
may katumbas na DDB value o halaga na P3,570,000.

(Aj Rabulan/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply