Pinugay TODA pagagawan ng trike depot ni Cong Omar Fajardo

Pinugay TODA pagagawan ng trike depot ni Cong Omar Fajardo

Si Cong Omar Fajardo (kanan) kasama ang ilang opisyal ng Pinugay TODA nang mag-ocular sila sa pagtatayuan ng Pinugay TODA depot

BARAS, Rizal 2D — Hindi pa man nahahalal bilang kauna-unahang kongresista ng bagong second district ng Rizal, ay patuloy nang nagbibigay ng mga ayuda’t tinutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan dito.

Si Cong Omar Fajardo kasama ang ilang opisyal ng Pinugay TODA ng bayan ng Baras

Ito’y walang iba kundi si dating OFW partylist Rep. Omar Fajardo na sadyang malambot ang puso pagdating sa mga mamamayang sa tingin nya ay mas nangangailangan ng tulong.

At nitong huli, nakipagpulong siya sa mga tricycle drivers na kabilang ng Pinugay Tricycle Drivers and Operators Association (TODA) at pinagbigyan niya ang kahilingan nilang pagawan sila ng trike depot sa naturang barangay ng bayang ito.

Kasama ang ilang opisyales ng Pinugay TODA, tinungo na nila ang lugar kung saan itatayo ang trike depot na ayon pa sa nangungunang kandidato sa pagka-congressman ng D2 ay mapapakinabangan lalo ng taumbayan at commuters na puwedeng makasilong kapag may ulan.

Kasama sa plataporma ni Cong. Fajardo ang mas paigtingin pa ang sumisikat na eco-tourism opportunities ng bagong distrito upang aniya makapag-bigay ito ng mas maraming trabaho at negosyo sa mga residente.

Karampatang pagtutok din aniya ang kailangan sa mga imprastraktura, farm to market roads, kalusugan ng distrito, edukasyon sa kabataan, at iba pa, sakalaing palarin at pagbigyan siya ng oportunidad magsilbi sa mamamayan ng bagong distrito.

Ang Baras ay isa lamang sa pitong (7) bayan na bumubuo sa bagong distrito ng Rizal. Ang iba pa rto ay Morong, Cardona, Teresa, Baras, Tanay, Pililla at Jala-Jala. (ai/mtvn)

Leave a Reply