Eleazar: Kailangan ng long term plans sa Ayungin Shoal

Eleazar: Kailangan ng long term plans sa Ayungin Shoal

MANILA — Sa nakikitang banta sa ating soberenidad mula sa panghihimasok ng Chinese militia sa West Philippines Sea, partikular na sa bisinidad ng Ayungin Shoal, idiniin ni Partido Reporma senatorial aspirant Guillermo Eleazar ang kahalagahan na mapakapagbalangkas ang pamahalaan ng long-term plan na magbibigay seguridad sa patuloy na pangangasiwa sa ating mga teritoryo.

Ang pahayag ng kakaretiro pa lang na hepe ng Philippine National Police (PNP) ay kasunod ng tumataas na tensyon sa pagitan ng Manila at Beijing bunsod ng hindi inaasahang pag-atake ng Chinese coast guard sa mga supply ship ng Philippine Navy na papunta ng Ayungin Shoal para magdala ng mga pangangailangan ng mga sundalong nakatalaga sa pinasadsad na BRP Sierra Madre.

Bukod sa pagsalakay, hiniling din ng China sa mga awtoridad na tuparin ang naunang pagsang-ayon ng ating pamahalaan na aalisin ang sinadyang pinasadsad na barko ng navy.

“For the BRP Sierra Madre to remain at the Ayungin Shoal is not the issue here because it is clear that the area is ours. The real issue here is how we should replace BRP Sierra Madre with a permanent structure that would symbolize our rights and ownership of the area,” pinunto ni Eleazar.

“Darating ng panahon na tuluyang masisira ang BRP Sierra Madre at hindi na ito puwedeng tirahan pa ng mga tropa natin doon. Huwag sana nating hintayin na mabigyan sila ng oportunidad na mangyari ito at tuluyang mawala sa atin ang Ayungin Shoal. Ito lang ilalaban natin,” dagdag ng dating PNP chief.

Pinasadsad ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal bilang paraan para mamantine ang control dito ng Pilipinas, na sa ilang mga ulat ay kabilang sa mga lugar sa loob ng teritoryo ng Pilipinas na paulit-ulit na pinapasok ng mga Intsik.

Tinaggihan ni defense secretary Delfin Lorenzana ang kahilingan ng China para alisin ang BRP Sierra Madre para panindigan na ang Ayungin Shoal ay malinaw na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng ating bansa.

In support, Eleazar underscored that China’s demand is illogical and clearly without basis.

“Kapag nagpapaalis ka ng illegal settlers sa isang lugar, ang unang dapat ipakita mo ay katibayan na sa iyo ang property na iyon. Sa situwasyon na ito sa Ayunghin Shoal, baligtad ang nangyayari. Iyong pinapaalis (ay) ang may katibayan habang iyong nagpapaalis ay laway lang ang katibayan,” wika ng ika-26 na hepe ng PNP.

“Sila dapat ang umalis doon dahil ayon nga kay Secretary Lorenzana, dalawa ang katibayan natin na atin ang Ayungin Shoal,” aniya. (ai/mtvn)

Leave a Reply