66 PNP personnel ginagamot pa sa Covid-19

66 PNP personnel ginagamot pa sa Covid-19

Si dating PNP chief Guillermo Eleazar nang bumisita sa ilang pulis na naka-confine dahil sa Covid-19

Ni Arwen Pascua

MANILA — Animnapu’t ani pa na tauhan pa ng Philippine National Police (PNP) ang patuloy na ginagamot laban sa COVID-19.

Hanggang ngayong araw, batay sa datos ng PNP-Healh Service, nabawasan ng siyam (9) ang ginagamot sa mga pulis nang gumaling ang mga ito mula sa nasabing sakit, habang dalawa naman ang nadagdag na nagpositibo.

Naitala naman ang 42,189 na kabuuang kaso ng COVID-19 sa PNP habang ang mga nakarekober ay 41,998.

Hindi naman nadagdagan ang 125 na namatay mahigit isang linggo na ang nakalipas.

Samantala, nasa 225,803 pulis at civilian employees sa PNP ang nabakunahan kontra coronavirus disease kung saan 210,722 o 93.32% na ang fully vaccinated; 13,105 o 5.80% ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang 1,976 o 0.88% ang hindi pa nababakunahan dahil ang 859 ay may balidong dahilan gaya ng medical condition at 1,117 naman ang hindi pa kumbinsido sa bakuna.

Nasa 396,849 doses ng COVID-19 vaccines ang na-administer na sa police force.

(ai/mtvn)

Leave a Reply