Hiwalay na FOI bill suportado ni Eleazar

Hiwalay na FOI bill suportado ni Eleazar

Marami ang sumusuporta kay dating PNP chief at ngayo’y Partido Reporma senatorial bet Guillermo Eleazar. (Larawan: General Eleazar’s Media Friends)

Ulat ni Tracy Cabrera

MANILA — Ayon kay senatorial aspirant Guillermo Lorenzo Eleazar, naniniwala siyang makakabuting maaprubahan ang hiwalay na batas ng freedom of information (FOI) para magkakaroon ang publiko ng access sa mga record, datos at iba pang dokumento upang matiyak ang transparency sa mga transaksyon ng pamahalaan.

Naglabas na ng Executive Order (EO) sa FOI si Pangulong Rodrigo Duterte noong unang mga araw ng kanyang termino bilang presidente subalit ito’y tumiyak lamang ng transparency sa mga transaksyon sa lahat ng tanggapang ng sangay ng ehekutibo ng gobyerno.

Gayun man, para mapalawig ito, isang batas ang isinusulong sa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa pagsasabatas ng FOI at ito ang kinakatigan ni dating Philippine National Police (PNP) chief at Partido Reporma candidate dahil matagal na aniyang hinihiling ito Para magarantiya ang transparency sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Pinunto ni Eleazar na makakatulong ang pagsasabatas ng isang lehislasyon ng FOI sa mga inisyatibong mapagtagumpayan ang kampanya laban sa graft and corruption hindi lang sa gobyerno kundi maging sa pribadong sektor.

“Kung transparency ang pag-uusapan especially on how the people’s money is spent, ideally wala na dapat batas ito dahil it is the obligation of every public servant na maging tapat because this is in line with our oath of office and our Constitution not to betray public trust. So I really appreciate iyong ating mga public officials that even before there President Duterte’s executive order on FOI, they have been doing this voluntarily,” wika ni Eleazar.

“Since there are still some who do not stick to this inherent principle in public service, then we need to strengthen transparency and accountability on this matter in order to compel them to do so, except of course if there are issues involving national security,” dagdag pa nito. (ai/mtvn)

Leave a Reply