Hong Kong, Germany dapat ilagay sa ‘red-list’ para sa travel suspension — Eleazar

Hong Kong, Germany dapat ilagay sa ‘red-list’ para sa travel suspension — Eleazar

Ni Tracy Cabrera

Nilagay ng mga kaso ng Omicron Covid variant ang United Kingdom sa high alert kaya nagtalaga na ang bansa ng mga tracker para matiyak ang epektibong pagtugo sa coronavirus pandemic. (Larawan: The Boston Globe)

MANILA — Bilang pagtugon sa pangamba ng pagpasok sa bansa ng bagong Omicron variant na maaaring dala ng mga inbound passengers, sang-ayon si Partido Reporma senatorial aspirant Gen. Guillermo Eleazar sa mga panawagan mula sa mga health experts at publiko para sa pansamantalang suspensyon ng mga incoming flight mula sa Hong Kong na kung saan ay nakapagtala ang dating British crown colony ng dalawang kaso ng bagong Covid-19 mutation.

Sa kanyang pahayag, idiniin ni Eleazar na “dapat magkaroon ng sense of urgency sa pagsasagawa ng mga kaukulang desisyon para mapigilan ang pagpasok ng bagong coronavirus variant sa bansa” dahil ang pagkaubos ng panahon para ditto ay mangangahulugan ng pag-ulit ng episode na kung saan ang isang mutated strain ng Covid-19 ay nakapasok sa Pilipinas.

“Ang pagtaklda ng travel ban sa mga bansang nakapagtala ng mga kaso ng Omicron ay ang matalinong hakbang na kailangan nating gawin sa ngayon, at kabilang ditto ang Hong Kong,” dagdag nito.

Bukod sa pagpapatupad ng mga travel suspension ng mga inbound flight mula sa mga red-flagged na bansa, nagpayo din ang dating Philippine National Police (PNP) chief na ang kailangan ding magkaroon tayo ng monitoring system na makakatunton ng tunay siyuwasyon ng Covid sa ibang mga bansa para sa regular na updating ng mga travel restriction.

Bago rito, inan unsyo ni health secretary Francisco Duque III na isinumite niya na ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) kay executive secretary Salvador Medialdea para sa pagpapatupad ng temporary travel restriction sa mga biyahero na nagmumula sa Hong Kong.

Bukod sa Hong Kong, sinabi ni Eleazar na dapat n a mapabilang din ang Germany sa red list dahil naka-detect din sa nasabing bansa ng isang kaso ng Omicron sa isang pasahero na nagmula sa South Africa.

“Sa ngayon, dapat ay may natutunan na tayo sa ating karanasan at kailan gan nating gawin ang lahat ng ating makakaya para maprotektahan natin an gating mamamayan. Hindi puwede nating pabayaan na mag-collapse ang ating healthcare system at magpatupad muli ng isa pang nationwide lockdown,” kanyang inulit. (ai/mtvn)

Leave a Reply