P102-M halaga ng shabu nasabat sa QC

P102-M halaga ng shabu nasabat sa QC

Nasabat ang may 15 kilos ng hinihinalang shabu na nasasilid sa loob ng mga Chinese tea na nagkakahalaga ng P102 milyon sa isang suspect na si Randy Rafael y Rodriquez, AKA “RR”, 42 years old, matapos ikasa ang isang buy bust operation ng PNP Drug Enforcement Group sa kahabaan ng Baesa Road sa Barangay 161 Zone 14, Quezon City.

Naganap ang buy-bust Lunes ng madaling araw (12:20 am) at ayon pa kay PBGEN REMUS B MEDINA, PDEG director, Isang Chinese national na isang “Alyas Llim” ang siyang nagtratrabaho ng pagpapakalat ng shabu sa National Capital Region.

(VAL LEONARDO/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply