100% vaccination ng lahat ng Pinoy nais ni Eleazar

100% vaccination ng lahat ng Pinoy nais ni Eleazar

Ni Tracy Cabrera

MANILA — Habang pinuri ang masigasig na pagbabakuna ng mga awtoridad at ni vaccine czar Garlito Galvez Jr. para mabigyang proteksyon ang lahat ng mamamayan sa buong bansa, hinihimok ngayon ni Partido Reporma senatorial candidate Guillermo Eleazar ang pamahalaan na mapabakunahan ang lahat ng mga Pinoy laban sa Covid-19 sa gitna ng pangambang makapasok sa kapuluan ang mas nakakahawa at sinasabing vaccine-resistant na Omicron mutation ng severe acute respiratory syndrome-coronavirus 2 (SARS-CoV-2) na pinagmumulan ng sakit.

“Base sa mga report worldwide na sadyang nakakabahala ang situwasyon lalo na dahil may mga variant at mutation na patuloy na lumilitaw, naniniwala akong napapanahon nang naisin natin ang 100 percent vaccination n gating populasyon,” hinayag ni Eleazar sa pagbanggit kung paano nabunsod ng Omicron variant ang kahalagahan ng mga vaccine mandate na pinapairal sa iba’t ibang panig ng mundo.

Batay sa opisyal na datos, nang simulang ang national vaccination program noong Marso ng taong kasalukuyan, umabot lamanag sa 32 porsyento o 35 milyon ng mahigit 110 milyon populasyon ng bansa ang fully vaccinated laban sa Covid-19 ngayong Nobyembre 29. Dito, mahigit 90 porsyento ng target na populasyon sa Kalakhang Matnila ang fully vaccinated subalit ang mga vaccination rate ay mababa sa 10 porsyento sa malalayong lugar tulad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito umano ang dahilan kung bakit pinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong-araw three-day na vaccination holiday mula Disyembre 29 hanggang December 1 at hbaang kinapos sa target na ttatlong milyon ataw-ataw, ang 2.55 milyong katao nabakunahan noong Lunes ay 2.5 na beses labis sa daily average para mapalagay ang Pilipinas sa ika-limang puwesto sa ayon sa pinakamarming nabakunahan sa loob ng isang araw.

Ang ibang bansa na nasa top 5 ay ang China (22 milyon), India (10 milyon), Estados Unidos (3.48 milyon) at Brazil (2.6 milyon).

Inanunsyo ni health undersecretary Myrna Cabotaje, na siyang namumuno sa National Vaccination Operations Center, na magpapatuloy ang pamahalaan at mga katuwang nito sa pirbadong sektor na kumbinsihin ang mamamayan na magpabakuna laban sa Covid-19.

Ayon kay Cabotaje, ang isang malaking hamon na kanilang naharap ay ang mga walk-in, na pumupunta sa mga vaccination site na hindi rehistrado, na hindi nabakunahan, at ang kakulangan ng mga dose para sa mga menor de edad.

Nananawaga ang kalihim sa mga local government unit (LGU) na tanggapin ang sinumang nagnanais na mabakunahan ngayong Miyerkoles, ang huling araw ng target na siyam na milyong indibiduwal sa 8,000 vaccination site sa buong bansa.

“President Duterte’s directive is to accommodate everyone. The directive is we allow walk-ins to be vaccinated. All people who lined up to get vaccinated should not be allowed to go home without getting their vaccine,” pinunto nito.

Bilang reaksyon, nagpahayag ng buong suporta si Eleazar para sa pagtatakda ng mga vaccination day dahil makakatulong ito sa inisyatibong mabigyan ng proteksyon ang publiko mula sa pandemya at mapigilan ang pagkalat ng sakit sa kabila ng banta ng Omicron variant.

“Mahalagang makapag-focus tayao sa pagpapaigting n gating vaccination program para mabigyan natin ng proteksyon ang ating mamamayan. Ang totoo’y nasa isang scenario tayo na may potensyal na pagkalat ng Omicron sa bu ong mundo at bukod dito, pumasok nba tayo sa panahon ng Kapaskuhan kaya magkakaroon ng maraming aktibidad at mga pahdating mula sa ibang bansa,” pagtatapos nito. (ai/mtvn)

Leave a Reply