Food delivery rider tiklo sa droga

Food delivery rider tiklo sa droga

Naaresto ng mga tauhan ni Manila Police District Station 3 Commander PCol. John Guiagui ang 48-anyos na si Eduardo Delos Santos, rider ng Food Panda sa aktong magde-deliver ng hindi pagkain kundi bawal na droga [shabu] pala sa Barangay 346 Zone 35 Oroquieta St., Sta. Cruz, Manila alas-7 kaninang umaga, Miyerkules, Disyembre 1.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang ilang plastic sealed sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P13,000.

Ang suspek ay nasakote matapos na itimbre ng mga kabarangay na hindi pagkain ang dala at dine-deliver ng suspek kundi shabu.

Ayon sa pulisya, si Delos Santos ay una nang nakulong dahil sa pagiging sangkot sa illegal na droga ngunit nabigyan ng pagkakataon na magtrabaho upang magbago.

(Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply