Sapat na impormasyon ang kailangan para dumami pa ang magpapabakuna

Sapat na impormasyon ang kailangan para dumami pa ang magpapabakuna

Ni Tracy Cabrera

MANILA — Sa gitna ng pagtatalo kung dapat na maging mandatory ang pagbabakuna laban sa Covid-19, sinabi ni dating Philippine National Police (PNP) chief at Partido Reporma senatorial bet Guillermo Lorenzo Eleazar na kailangang malaman muna ng pamahalaan kung bakit may mga umaayaw sa ating kababayan na magpabakuna.

“More than the discussion kung gagawing mandatory ang Covid vaccination, kailangan din nating malaman kung bakit may ilan sa ating mga kababayan ang ayaw magpabakuna,” pinunto ni Eleazar.

“From there, magkakaroon tayo ng tamang kaalaman at istratehiya kung paano makukumbinsi ang mga ayaw magpabakuna dahil baka naman ang dahilan ay kung anu-ano ang nababasa sa Facebook, napapanood sa YouTube o kaya naman dahil sa tsismis ng mga Maritess sa mga kanayunan,” dagdag nito.

Binanggit ng retiradong hepe ng PNP ang naging situwasyon sa hanay ng mga tauhan ng PNP na kakalahati lamang ang pumayag na magpabakuna noong Pebrero at dahil sa intervention ng pamunuan sa pamamagitan ng kaukulang pagbibigay ng impormasyon ay tumaas ang bilang ng mga nais magpabakuna sa PNP personnel.

“Nakita natin ito sa PNP noong ako ay commander ASCOTF (Administrative Support for Covid-19 Task Force) kung saan kalahati lamang ang gustong magpabakuna noong Pebrero. Sa ating pakikipagtulungan sa DoH (Department of Health) para sa malawak na information drive sa mga kapulisan, mahigit 99 percent na ng mga kapulisan natin ang nabakunahan sa ngayon,” tinukoy ni Eleazar.

Batay sa mga ulat kamakailan, binabalak umano ng pamahalaan na gawing mandatory ang vaccination laban sa Covid-19 sa gitna ng banta ng bagong Omicron Covid strain na unang na-detect sa South Africa, na klinasipika ng World Health Organization (WHO) bilang isang ‘variant of concern’ makaraang kumalat ito sa ilang mga bansa sa Europa at mga bahagi sa Estados Unidos at South America at gayun din sa Asya.

Habang inamin na ang mga tao ay may karapatan upang magdesisyon kung sila ay magpapabakuna o hindi, idiniin ni Eleazar na dapat mapagtanto ng publiko ang kahalagahan ng mabigyan ng anti-Covid vaccine, lalo na sa gitna ng banta ng Omicron coronavirus variant.

Aniya, naniniwala siyang malaki ang magiging bahagi ng mga local government unit (LGU) sa pag-udyok sa kanilang nalalabing mga nasasakupan na hindi pa nababakunahan na mabi gyan ng prot eksy on laban sa Covid-19.

“Isa itong hamon sa ating mga LGU at kaialngan talaga dito ang pakikiisa ng ating mga local government official down to the barangay level,” wika ng ika-26 na hepe ng PNP. (ai/mtvn)

Leave a Reply