Kailangang makipagtulungan ang publiko sa border control laban sa banta ng Omicron variant

Kailangang makipagtulungan ang publiko sa border control laban sa banta ng Omicron variant

Nais ibalik ang paggamit ng face shield sanhi ng banta ng Omicron variant. (Larawan: CNN Philippines)Ni Tracy Cabrera

MANILA — Kasunod ng desisyon ng mga awtoridad na mapabuti pa ang mga border control protocol ng bansa sa gitna ng banta ng Covid-19 Omicron variant na pinangangambahan ng mga eksperto na mas nakakahawa at resistant sa mga bakuna, hiniling sa publiko ni Partido Reporma senatorial bet Guillermo Lorenzo Eleazar na makipagtulungan sa pamahalaan para matiyak na hindi makakapasok sa Pilipinas ang ‘variant of concern’ sa pamamagitan ng pakikipagkoordinasyon sa kanilang mga local government official sa kani-kanilang komunidad.

Una rito, nilinaw ni health undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang ginagawang pag-review sa mga border control protocol para sa mga ibang bansa ay kadalasang ginagawa kada 15 araw subalit ngayon ay pinaikli ito dahil sa ang ating mga border o hangganan ay sinasabing ‘porous’ at may banta ng pagpasok ng Omicron variant kung hindi tayo magiging maingat.

Sang-ayon si Eleazar sa inisyatibo ng gobyerno na isuspindi pansamantala ang mga inbound flight mula sa mga bansa at teritoryo na inilista sa ‘red list dahil kinokonsidera ang mga ito bilang mga ‘high-risk’ para sa Covid-19, partikular na yaong may mga kaso ng bagong variant na unang nadiskubre sa South Africa at na-detect na rin sa ibang mga bansa sa southern Africa, Europa, Estados Unidos at South America at maging sa Asya.

Tanging mga biyahero lamang mula sa mga bansang napalista bilang ‘green’, ‘yellow’ o ‘red’ ang pinapayagang makapasok sa Pilipinas basta susunod ang mga ito na sumailalim sa mga protocol at requirement na itinakda ng mga lokal na awtoridad.

“We review and do our analysis every 15 days so we can be able to classify countries as to red, yellow, and green, but with this emerging Omicron variant, we are reviewing every week so we can be able to determine if there are still other countries that should be included in our red-listed countries,” pinunto ni Vergeire sa television interview.

Ayon naman kay Eleazar, pinaalalahanan ng dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ang publikp na mayroon silang mahalagang bahagi sa pananatili sa ating mga hangganan na ligtas at ang mamamayan ay nararapat na i-report agad sa mga kaukulang opisyal ukol sa mga biyaherong maaaring nagmula sa mga ‘red listed’na bansa.

“Kailangan tayong magtulungan dito dahil ang nakasalalay ay ang ating kaligtasan laban sa pandemya,” idiniin ng retiradong heneral.

Base sa huling mga ulat, hindi pa nakaka-detect ang Pilipinas ng kaso ng Omicron variant, na unang nadiskubre ng mga siyentista mula sa South Africa. Gayun man, nagbabala si health secretary Francisco Duque III na ang pagpasok nito sa bansa ay nakasalalay sa ating pag-iingat o kung magiging pabaya tayo rito. (ai/mtvn)

Leave a Reply