500 MPD cops inangat ang ranggo mula patrolman hanggang police major

500 MPD cops inangat ang ranggo mula patrolman hanggang police major

MANILA — Halos 500 miyembro ng Manila Police District (MPD) ang inangat ang mga ranggo umaga nitong Huwebes (02 Dec 2021) sa quadrangle ng MPD Headquarters sa UN Avenue, Ermita, Manila.

Dahil dito, pinapurihan ni MPD Director P/BGen. Leo ” Paco” Francisco ang kanyang kapulisan dahil sa pagkaka-promote ng kanilang ranggo mula sa pagiging Police Corporal hanggang Police Major.

Umaabot sa 496 na bilang ng mga pulis ng MPD ang tumaas ang ranggo sa ilalim ng pamumuno ni Gen. Francisco.

Nabatid na ang MPD ang siyang may pinakamaraming bilang ng mga pulis na na-promote ngayong taong 2021.

Kaya’t dahil dito, umaasa si Francisco na mas lalo pang pagbubutihin ang kanilang trabaho lalo na ngayong mas kailangan sila ng publiko sa panahon ng pandemya.

Bukod sa MPD, ikinakasa rin ang simultaneous mass oath taking at donning of ranks sa iba pang distrito ng pulisya sa pamumuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

(Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply