8 pulis nakarekober sa Covid; PNP may flattening the curve na sa mga kaso

8 pulis nakarekober sa Covid; PNP may flattening the curve na sa mga kaso

Ni Arwen Pascua

MANILA — Walo (8) pang kapulisan nadagdag sa bilang ng mga recoveries o naisalba ng Pinoy doctors laban sa COVID-19.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP)-Health Service, hanggang ngayong araw, pumalo na sa 42,046 pulis ang nailigtas mula sa kamatayan na banta ng nasabing sakit.

Sa kaparehong araw, limang pulis naman ang dinapuan ang sakit kaya ang kabuuang bilang ng confirmed cases nito ay 42,208 na mula nang outbreak noong Marso 2020.

Sa loob naman ng 24 araw mula nang maitala ang ika-125 na namatay sa COVID-19 noong Nobyembre 10 ay nananatiling ligtas ang organisasyon dahil zero deaths na ngayon.

Dahil sa patuloy na flattening the curve mode na ng mga sakit sa PNP, 37 na lamang ang patuloy na ginagamot.

Samantala, sa 225,676 na kabuuang puwersa sa PNP, 211,976 na ang fully vaccinated; 11,874 ang nakatanggap ng unang dose habang 1,846 naman ang hindi pa nababakunahan dahil sa medical condition at sariling paniniwala sa COVID-19 vaccines.

Bagaman nasa flattening the curve na ang mode sa PNP, patuloy ang panawagan ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos sa kanyang mga tauhan na mag-ingat habang mahigpit ang monitoring na ginagawa naman ni Lt. Gen. Joselito Vera-Cruz bilang komander ng Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force para mabigyan ng gabay ang mga pulis laban sa nasabing virus.

(ai/mtvn)

Leave a Reply