Nais ni Eleazar ang holistic approach sa ‘war on drugs’

Nais ni Eleazar ang holistic approach sa ‘war on drugs’

Ni Tracy Cabrera

MANILA — Kasunod ng pagkakaaresto ng dalawang drug pusher sa Malabon City sa buy-bust operation sa Celia II Street sa Barangay Bayan-Bayanan at pagkakakumpiska ng P204,000 na halaga ng shabu, pinapurihan ni senatorial aspirant retired general Guillermo Eleazar ang mga operatiba ng Malabon Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa kampanya laban sa iligal na droga ngunit nais niyang ipagpatuloy ang ‘giyera kontra droga’ sa ilalim ng mas ‘holistic approach’.

Sa panayam sa kanyang tanggapan sa Makati City, hinayag ng dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ang kanyang pananaw sa kasalukuyang problema sa droga dito sa bansa at idinagdag na tulad ng mga polisiya laban sa pandemya ng Covid-19, kailangang hindi magpabaya ang pamahalaan laban sa drug addiction at proliferation dahil kapag hindi ito binigyan ng saapat na atensyon ay tutubo ito na parang kanser na siyang kikitil sa kinabukasan ng mga kabataang henerasyon ng Pilipino.

“About the drug problem, tayo ay nagkakaisa na talagang holistic approach ito. Ang nakikita lang kasi natin ay ang role ng PNP na parang inaasa sa law enforcement itong supply reduction, na mawala those supplying the drugs. Pero ang point natin doon is demand reduction which is, actually para sa akin, ganoon kaimportante o mas importante pa – itong prevention,” pinunto ni Eleazar.

Sinabi pa ng ika-26 na hepe ng PNP at Partido Reporma senatorial bet na naniniwala siyang ang kampanya laban sa iligal na droga ay dapat na imintine ng mga bagong pinuno ng bansa na siyang pipiliin ng sambayanan sa nalalapit na halalan sa Mayo 9 sa susunod na taon.

Inamin din naman ni Eleazar na tunay ngang nagkaroon ng mga lapses at kakulangan sa pagpapatupad nito at iminungkahi na kailangan itong isaayos at paigtingin pa: “Tanggap na natin iyan, kailangan natin iyan except in some lapses, sa pagmamalabis na hindi naman natin kinukunsinti.”

At para mapabuti pa ang anti-drug campaign, aniya, kailangan ding iprayoridad ang rehabilitasyon ng mga drug user upang sila ay mapabago at makabilk sa kanilang komunidad bilang mga responsableng mamamayan. (ai/mtvn)

Leave a Reply