Manila Zoo, Cebu Safari  magtutulungan para sa Future WildLife Exchanges

Manila Zoo, Cebu Safari  magtutulungan para sa Future WildLife Exchanges

By:Jocelyn Domenden


Sinimulan nang makipagsosyo ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa  Cebu Safari and  Adventure Park para sa hinaharap na pagpapalitan ng wildlife at animal medicines  , ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso .

Kasama sina Deputy Speaker at Cebu 3rd District Congressman Pablo John Garcia, binisita ng Aksyon Demokratiko Presidential aspirant ang  Cebu Safari and Adventure Park noong linggo bilang bahagi ng  kanyang  itinerary sa kanyang ikatlong pagbisita sa Cebu province. 

Malugod namang sinalubong ny Cebu Safari  vice president at chief operation officer Eduard Loop ang alkalde  .

Ang Manila Zoo ay inaasahang matatapos ang redevelopment at general renovation nito para sa muling pagbubukas nito sa February 2022.

Ipinunto ni Domagoso na ang Cebu Safari ang Adventure Park ay madaling makakapagsuplay  sa Manila Zoo ng wildlife dahil maraming species ang matagumpay na dumarami sa 
170-hectare animal reservation. 

Ang  Manila Zoo, ang kauna-unahang zoo sa  Southeast Asia na binuksan noong  1959,  ay pansamantalang isinara noong Enero 2019  para ma-upgrade at maisaayos matapos manawagan ang  Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamunuan ng  zoo dahil sa kakulangan ng tamang  sewage system. 

“Itong Cebu Safari hindi lang siya basta zoo. Initially nag-angkat sila nga mga hayop but they developed. Dumating na sila sa stage na nagpro-produce na sila ng sarili nilang animals. Nag bre-breed sila ng maayos. Syempre sisikip itong zoo na ito pag marami na silang na bagong wildlife. Welcome naman sa Maynila ‘yung hayop nila. Di lang tao ang welcome, we are willing to receive some donations,” paliwanag pa ng Presidential aspirant.(mtvn)

Leave a Reply