P100k halaga ng shabu nakuha sa QC buy bust

P100k halaga ng shabu nakuha sa QC buy bust

Arestado ang suspect na tulak na si Alex Pobletin Dela Cruz sa isinagawang buy bust Operation ng Quezon City Police District DDEU sa #7 Matias St., Brgy. Paltok Quezon City alas-7:00 ng umaga ngayong araw, Disyembre 8, 2021.

Kasamang naaresto ang dalawa pang suspek na sina Czandor Nickhol James Valderama at Joseph Dela Cruz.

Nakuha sa mga suspect ang 10 plastik ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng  ₱136,000 sa merkado at walong pekeng isang libo. (Peter Lacang/BENJAMIN CUARESMA/ mtvn)

Leave a Reply