Tanod, 8 pa, arestado sa Quiapo buy-bust

Tanod, 8 pa, arestado sa Quiapo buy-bust

Siyam na katao kabilang ang isang barangay tanod at menor de edad ang naaresto matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Quiapo,Maynila nito lang Martes ng gabi .

Ayon kay Manila Police District (MPD) Station 3 commander P/Lcol John Guiagui, ang barangay tanod ay kinilalang si Bobby Swing ng Brgy. 547, Sampaloc habang arestado din si Jeffrey Bobis, isang taxi driver, na hinihinalang sangkot sa pagta-transport ng mga ilegal na droga gamit ang kanyang pampasaherong taxi.

Ang iba pang suspek ay sina Luz Mayes, Evelyn Abrillo, Alexander Ronquillo, Emmanuel Cordero, Ace Robles at Berna Obinguar.

Ang kinse anyos na binata na di umano ay kasamahan ng mga suspek ay nai-turnover na ng pulisya sa DSWD.

Nasa siyam na sachet na tumitimbang ng 130 grams at nagkakahalaga ng P884,000 ang nakumpiska sa mga naarestong suspek.


Kumpiyansa ang Manila Police District Station 3 na nalansag nila ang isang grupo na sangkot sa pagpapakalat ng shabu sa lungsod.(Jocelyn Domenden/ mtvn)

Leave a Reply