AKTIBONG KASO NG COVID-19 SA PNP 30 NA LANG

AKTIBONG KASO NG COVID-19 SA PNP 30 NA LANG

Ni Arwen Pascua

MANILA — Bumaba pa ang bilang ng active cases ng mga pulis na patuloy na ginagamot kontra COVID-19.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP)-Health Service, nasa 30 pulis na lamang ang ginagamot sa iba’t ibang pasilidad, mapa-quarantine o ospital.

Samantala, may walo (8) pang nakarekober nitong Huwebes, Disyembre 9 habang dalawa (2) ang napaulat na infected.
Sinabi ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos, dahil sa paggalaw ng numero ng kaso, nasa 42,223 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 simula noong noong nagkaroon ng outbreak noong Marso 2020 habang 42,068 naman ang nakarekober mula sa nasabing sakit.

Mag-iisang buwan naman na walang naitatalang nasawi at simula Nobyembre 10 nitong taon ay hindi na nasundan ang 125 na iginupo.

Sa 225,592 bilang ng PNP personnel, 94.29% o 212,717 na ang fully vaccinated; 4.96% o 11,199 ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang 1,676 pa 0.74% pa ang hindi nababakunahan kung saan 898 ay mayroong medical conditions at 778 naman ay dahil may agam-agam bunsod ng paniniwala.

(ai/mtvn)

Leave a Reply