Batas sa pagdeklara ng maritime zones ng bansa suportado ng Partido Reporma

Batas sa pagdeklara ng maritime zones ng bansa suportado ng Partido Reporma

File photo ng mga taga-Partido Reporma sa pangunguna ni standard-bearer Panfilo Lacson nang dumalaw sia sa Pag-Asa Island. Ang kanyang kapartidong si senatorial aspirant Guillermo Eleazar (pangatlo mula kaliwa) na nakasama rin. (Larawan mula sa General Eleazar’s Media Friends)

Ni Tracy Cabrera
MANILA — Sa pag-apruba ng panukalang batas sa ilalim ng House Bill 9981 ng mayroya ng mga miyembro ng Kamara de Representante para linawin ang mga maritime zone ng Pilipinas, nalalapit na ang bansa sa pagkatig ng mga batas batay sa desisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na nagbibigay proteksyon sa mga maritime zone na kabilang ang mga internal at archipelagic na karagatan, contiguous at exclusive economic zone at continental shelf.

Ayon kay Zamboanga Sibugay 2nd District Representative Ann Hofer, na siyang chairman ng House committee on foreign affairs, tinutukoy din sa ilalim ng panukalang batas ang mga karapatan ng Pilipinas “alinsunod sa mga maritime zone at entitlement nito na naaayon din sa UNCLOS,” 2016 arbitral awards, at gayun din ang ibang mga international law.

Sa paghayag nito, pinuna ni Hofer na ang pag-apruba sa panukala “ay nagmamarka ng isang mahalagang hakbang tungo sa pagtatag ng maritime jurisdiction na deklarado sa arbitral award” kahit naka-pending pa ang version ng batas sa committee level ng Senado.
Sa Mataas na Kapulungan, hinain noong Hunyo ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang Senate Bill 2289 o ang Philippine Maritime Zones Act, na ang layunin din ay tukuyin ang mga maritime zone ng bansa.

“Let us make our own map, similar to China’s nine-dash line. Let’s insist on our own maritime zones. It is just a matter of really setting our foot down,” ani Sotto.

Welcome naman kay Partido Reporma senatorial aspirant Guillermo Lorenzo ‘Gaylor’ Eleazar ang ganitong development para sabihing ang “pagtakda ng mga maritime zone ng ating bansa ay makakatulong sa ating pamahalaan na panindigan ang ating soberenidad.”

“I laud and support this proposed measure that was recently approved by the lower chamber of Congress. This is a huge step in the Philippine government’s continuous efforts to assert our sovereign rights in our territory without the need to fire a shot,” kanyang pagpapatuloy.

Naniniwala ang 56-anyos na retiradong heneral, na kamakailan lang ay dumalaw sa Pag-Asa Island sa West Philippine Sea para magtanim ng bandila ng Pilipinas kasama si Partido Reporma standard-bearer senator Panfilo ‘Ping’ Lacson at iba pang mga opisyal, na ang pagkilala o pagtukoy sa mga maritime zone ng bansa ay magbibigay ng seryosong mensahe sa international community na handa tayong idepensa ang ating mga teritoryo habang pinapanatili ang magandang diplomatic relation sa ibang bansa.

“Sa kabila ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea, kaisa ako ng buong sambayanang Pilipino sa laban para sa ating soberanya. Patuloy tayong maninindigan para sa ating karapatan sa ating teritoryo. Ang ating laban para sa West Philippine Sea ay hindi nagtatapos sa pagpasampa ng mga diplomatic protest laban sa mga bansang nais yumurak sa ating karapatan. Nararapat na samahan ito ng iba pang aksyon at ipakita natin sa mga dayuhang hindi tayo papayag na angkinin kung ano ang atin,” aniya.

“We will assert our sovereignty but it does not mean that we will have to go to war with other countries. Remember that we already won in the arbitral ruling and the only thing left to do is to implement it,” pagtatapos nito sa paggunita sa 2016 arbitral award na inilabas ng Permanent Court of Arbitration na pumabor sa Pilipinas at tinanggihan ang nine-dash line claim ng China. (ai/mtvn)

Leave a Reply