3 miyembro ng robbery hold-up patay sa shootoutNi Arwen Pascua

3 miyembro ng robbery hold-up patay sa shootout
Ni Arwen Pascua

MANILA — Nasawi ang tatlong lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng robbery hold-up-carnapping group makaraang mapalaban sa humabol na mga pulis sa Lamut-Shilan Road, Barangay Shilan, La Tinidad, Benguet kaninang madaling araw.
Ayon sa hepe ng Philippine National Police ng La Trinidad na si Maj. June Banate Tabigo-on, naganap ang engkuwentro dakong alas-12:35 ng madaling araw kung saan una munang nakatanggap ang pulisya ng tawag sa isang concerned citizen hinggil sa kahina-hinalang kulay pulang sedan na may plakang WIN580 sa harapan subalit sa likod ay wala.

Dito, nagsanib-puwersa ang Highway Patrol Group, Police Regional Office 3 at PRO-Cordillera para siyasatin kung ano ang laman ng nasabing kotse.

Nang dumating ang puwersa ng pulisya ay agad tumakas ang sasakyan dahilan para habulin ito ng elemento ng awtoridad at pagsapit malapit sa isang gas station ay unang nagpaputok ng baril ang lulan ng nasabing sasakyan.

Subalit nanaig ang pulisya at napatay agad ang dalawa sa mga lalaki habang dinala pa sa ospital ang isa at doon na ito binawian ng buhay.

Sinabi ni Tabigo-on, na batay sa intelligence gathering ng HPG-ID (H2); RHPU-Cordillera; Pampanga 2nd PMFC; RID/RSOG, PRO-COR ; RMFB, PRO-COR; Benguet-PIU; at La Trinidad City Police Station, maaaring mga miyembro ng Robbery Hold-Up/Carnapping/Gun-For-Hire ang tatlong napaslang.

Samantala, sinabi ng HPG Task Force Limbas -3 na walang nakuhang pagkakakilanlan sa katawan ng tatlo. (ai/mtvn)

Leave a Reply