Eleazar pabor sa muling pagbabawal ng paputok ngayong New Year

Eleazar pabor sa muling pagbabawal ng paputok ngayong New Year

MANILA — Pabor diumano si dating Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar sa muling pagbabawal ng mga paputok sa New Year sahil naging magandang resulta nito noong nakaraang taon sa gitna ng pandemya.

Una rito, inanunsyo ng pamahalaan ang opisyal na pagbabawal ng tradisyonal na mga firework celebrations kaugnay ng Kapaskuhan at Bagong Taon sa ikalawang pagkakataon sanhi ng Covid-19 at iba pang usaping may kinalaman sa kaligtasan, kalusugan at kapaligiran.

Binatay ang firecracker ban sa rekomendasyon ng Department of Health (DoH) para maiiwasan ang sinasabing mga firework-related na aksidente sa panahong ang serbisyong medikal ay hirap dahil sa paglaganap ng Covid-19 at mabawasan na rin ang polusyon.

“Mas maigi na kung magdiriwang tayo nang ligtas sa disgrasya. Nakita naman natin noong nakaraan taon na pinag bawal ang mga paputok at talaga namang nabawasan ng malaki ang bilang ng mga naputukan o naospital dahil sa paputok o aksidenteng may kaugnayan sa mga pagdiriwang na Pasko at Bagong Taon,” ani Eleazar.

Nang nakaraan taon, inulat ng DoH ang 85 porsyentong pagbaba ng mga firework-related injury habang wala ding naitalang sunog mula sa paputok, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Binigyang pansin ng retiradong heneral at Partido Reporma senatorial bet na bumagsak man ang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa nakalipas na mga linggo, pinayuhan ng mga health expert ang mamamayan na iwasan maging kampante at alalahanin ang banta ng Omicron coronavirus variant kahit hindi pa ito nakakapasok sa bansa.

“Marami pa tayong hinaharap na problema kaya huwag na sana nating sayangin ang ating mga nagawa at nakamit sa pag laban natin sa Covid-19. Isa pa, Mas makakabuti kung sa halip na gumasta tayo sa paputok ay bumili na lang tayo ng mga bagay na Mas kailangan natin para sa ating pamilya,” Eleazar added.

Sa pagbabalik naman sa pagpapairal ng pagbabawal sa mga paputok, pinaalalahanan ni PNP chief Lieutenant General Dionardo Carlos ang publiko na sinuman mahuhuling lumabag dito ay mahaharap sa mga kaso ng kriminal at sibil.

“The police fully supports the Department of Health in promoting safety while celebrating the holiday season despite firework displays being a cultural tradition Filipinos are accustomed to during personal and religious events, especially during the New Year,” ani Carlos. (ai/mtvn)

Leave a Reply