Eleazar: Paghandaan na ang pag pasok Omicron sa bansa

Eleazar: Paghandaan na ang pag pasok Omicron sa bansa

Pinangangambahan ang banta ng pagpasok ng Omicron variant na maaring maging dahilan ng muling paglobo ng nga kaso ng Covid-19 sa bansa. (Larawan: The Strait Times)

MANILA — Sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng mga polisiya sa border control, inamin ng mga awtoridad na sanhi ng napakalawak nating mga hangganan na nagbigay ng madaling pamamaraang makapasok ang mga biyahero, may ‘malaking posibilidad’ na makapasok sa ating bansa ang Omicron Covid-19 variant, ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ito ang dahilan kung bakit nais ni dating Task Force Covid Shield commander at senatorial aspirant Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar na paghandaan ang pagpasok sa Pilipinas ng Omicron na unang na-detect sa South Africa at klinasipika ng World Health Organization (WHO) na isang ‘variant of concern’ makaraang mabilis na kumalat sa spreading Africa, Europa at Amerika, ay “inevitable” Kaya nararapat laman na bumalangkas na ng mga pamamaraan para hindi ito lumaganap sa ating populasyon.

“Unang-una, alam naman po natin na from the start, sinabi na natin hindi naman po natin masasabi at hindi natin sasabihin definitely na hindi makakapasok. Ang pinag-uusapan natin ‘yan ay kung kailan, as to when it can enter the country,” pinunto ni Vergeire sa Laging Handa briefing nitong Sabado.

Para kay Eleazar, mahalaga na maging handa rito ang gobyerno at publiko dahil Kung hindi ay malaki ang posibilidad na magkaroon tayo ng paglaganap ng Covid-19 tulad ng naranasan sa ilang bansa sa Europa dahil sinasabing mas mabilis makapanghawa ang bagong mutation ng severe acute respiratory syndrome-coronavirus 2 o SARS-CoV-2 na siyang sanhi ng viral infection.

Gayun man, nagpatupad na ang pamahalaan ng mga inisyatibo Para higpitan ang ating border response at monitoring para mabantayan ang pagpasok ng mga manlakakbay mula sa mga bansa na Kung saan may mga kaso ng impeksyon ng Omicron.

Idinagdag din ng kalihim na kapag ang mga bansa ay napasailalim sa metrics na ‘red’ list country, wala nang magagawa pa ang ating gobyerno kundi ipagbawala ang mga inbound na pasahero mula sa kanila liban sa repatriation.

Pinaalalahanan ni Eleazar ang publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa mga health protocol at nagpabakuna na dahil ito ang magbibigay proteksyon sa kanila laban sa mga coronavirus’ variant.

“So, gusto lang ho natin ipaalala sa ating mga kababayan, ano man pong variant ang pumasok, iyon pong ginagawa po nating compliance sa safety protocols—pagma-mask, pag-iiwas sa matataong lugar, palagiang paghuhugas ng kamay, at pagbabakuna—ay effective pa rin po laban sa mga variants na ‘yan,” ipinayo ng senatorial bet ng Partido Reporma na nasa pangunguna nina senador Panfilo Lacson at Senate president Vicente Sotto III.

Sa kasalukuyan, hindi pa na de-detect ang Omicron variant sa ating populasyon at gayun din sa nga biyahero at manlakakbay na pinapasok sa bansa simula nang madiskubre ang bagong mutation sa South Africa mahigit dalawang linggo ang nakalipas.

(ai/mtvn)

Leave a Reply