PRRD umatras sa senatorial race

PRRD umatras sa senatorial race

By: Jocelyn Domenden

Umatras na rin  sa senatorial race si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Martes ilang oras matapos mag-withdraw ng kanyang certificacte of candidacy (CoC) sa presidential race si Senator Bong Go.


Kasama ng kanyang Presidential Security Group (PSG) ay personal na dumating sa tanggapan ng Commision of Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila ang Pangulo nitong hapon upang i-atras ang kanyang kandidatura sa nasabing posisyon.


Hindi nagkaroon ng pagkakataon ang media na makapanayam ang pangulo dahil agad din itong umalis.


Kaninang umaga, ay una ng nag-withdraw si Senator Bong Go at kanyang sinabi na tanging ang pangulo lamang ang nakakalam ng kanyang pag-atras sa nasabing posisyon. (mtvn)

Leave a Reply