Eleazar nanawagan sa pagpapatigil ng agri smuggling

Eleazar nanawagan sa pagpapatigil ng agri smuggling

Inaani ng mga magsasaka ang kanilang pananim na gulay (Photo courtesy by Department of Agriculture)

MANILA — Binanatan ni senatorial candidate at dating Philippine National Police chief Guillermo Eleazar ang mga opisyal ng Department of Agriculture dahil aniya sa kawalan ng plano na protektahan ang mga magsasaka kontra sa agriculture smuggling na kumikitil sa kanilang hanapbuhay.

Partikular na kinuwestyon ni Eleazar ang walang pakundangang pagpasok ng mga imported gulay, kabilang na ang mga carrots, sibuyas, repolyo at iba pa.

Sobrang nakakasama ito sa mga lokal na producer dahil hindi aniya patas na kompetisyon dahil nabebenta ang mga ito sa mas mababang presyo dahil hindi naman dumaan sa ligal na proseso.

“We are killing the local industry. Why import strawberries and carrots when we have strawberries and carrots here? I think your commitment to your fellow Filipinos should be more important than your commitment with importers,” wika ni Eleazar.

Bukod sa problema ng pagdagsa ng mga inangkat na mga agri products, inireklamo din ng mga lokal na magsasaka ang tungkol sa mga smuggled na prutas, tulad ng strawberry na dineklarang ‘ornamental plants’ at maging mga pangkaraniwang gulay, na talaga namang tinatalo ang lokal na ani dahil mas mura sa presyo sanhi ng hindi pagbabayad ng buwis at taripa.
Tinukoy ni Eleazar na hindi lamang imported at smuggled agri products na pumapatay sa ating lokal na industriya ang problema kundi maging ang panganib sa kalusugan dahil maaaring ginamitan ng nakakasamang mga kemikal na fertilizer ang mga ito bukod sa hindi sumailalim sa pest risk analysis.

“Hindi dapat pinapayagan ang ganitong situwasyon, lalo na dahil nasa krisis tayo sanhi ng pandemya (ng coronavirus) at paghina ng ating ekonomiya habang maraming sa ating mga kababayan ang nahaharap sa lubhang kahirapan. Kailangan umaksyon ang ating pamahalaan sa problemang ito para masagip ang ating mga magsasaka na naghihikahos na dahil sa pagkalugi sanhi ng mga smuggled na mga gulay at prutas,” aniya. (ai/mtvn)

Leave a Reply