1st Vice Mayor Amado Amigo 3-Point Shootout X’mas Edition matagumpay na nailunsad

1st Vice Mayor Amado Amigo 3-Point Shootout X’mas Edition matagumpay na nailunsad

SULAT, Eastern Samar – Matagumpay at masayang nailunsad sa bayang ito nitong Martes (14 Dec 2021) ang First Vice Mayor Amado Amigo 3-Point Shootout Christmas Edition sa Barangay Maglipay.

Nasa larawan sa itaas si Vice Mayor Amado Amigo (panlima sa hanay ng mga nakaupo) kasama ang mga kasali sa paligsahan at ang kanyang supporters at mga kapartido na sina (mula kaliwa) Christian Rodriguez (referee), Edgar Acopan, special guest; Noel Tomenio, Cora Tikiko, Jojie Balagapo, at Cidro Narval. Hindi nakasama sa larawan sina Marlo Nival at Carol Balagapo.

Ang Christmas Edition ng 1st Vice Mayor Amado Amigo 3-Point Shootout ay may tatlong Division partikular na ang (1) 17-below, (2) 18 to 50, at (3) ang LGBTQ+ class.

May patimpalak itong P500 cash prize sa top shooter, P300 sa pangalawa at concolation prizes sa third at sa lahat ng sumali.

Ang X’Mas Edition ay susundan ng Municipal Level Championship at ng Summertime Edition sa Marso at Abril 2022.

Si Vice Mayor Amado Amigo ay siyang kasalukuyang presidente ng Eastern Samar Vice Mayors’ League at kandidato sa pagka-mayor ng bayan ng Sulat. (ai/mtvn)

(ai/mtvn)

Leave a Reply