Grupo ng healthworkers nagrally sa DOH

Grupo ng healthworkers nagrally sa DOH

Sinalubong ng kilos protesta ng grupong Health Workers Alliance of the Philipines (PHWAP) ang pagsisimula ng tradisyunal na simbang gabi. Mula sa iba’t-ibang pampubliko at pribadong pagamutan, dinaan ng grupo sa pangangaroling ang kanilang protesta sa harapan ng Department of Health (DOH) sa Maynila.

Hiling ng grupo ang agad na pagpapatupad ng kanilang mga naka-tenggang benepisyo at umaasa sila na ang diwa ng kapaskuhan ay magsilbing paalala sa administrasyon na ibigay ang hustisya na kanilang sinapit at ang patuloy na pagkakait ng benepisyo nararapat sa kanila sa ilalim ng Bayanihan 2. (Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/ mtvn)

Leave a Reply