Pinoy na mangingisda nakauwi matapos magpalutang-lutang ng 10 araw sa karagatan

Pinoy na mangingisda nakauwi matapos magpalutang-lutang ng 10 araw sa karagatan

Isang mangingisdang Pilipino na nagpalutang-lutang sa karagatan ng 10 araw at nasagip ng mga mangingisda sa Vietnam ay nakauwi na sa bansa nito lang Martes.

Sa isang press conference sa Philippine Coast Guard Headquarters sa Maynila, sinabi ni Avelino Montibon, taga-Barangay Calapandayan sa Subic, Zambales, na siya ay napahiwalay sa kanyang mga kasamang mangingisda sa Bajo de Masinloc nang maubusan ng gasolina ang kanyang bangka.

Nagpasalamat siya at ang kanyang pamilya sa PCG at sa pamahalaan ng Vietnam sa pagkakataong makauwi ng ligtas. (Jhun Mabanag/ BENJAMIN CUARESMA/ mtvn)

Leave a Reply