Bayanihan Manileño tuloy-tuloy ang pag-abot ng tulong

Bayanihan Manileño tuloy-tuloy ang pag-abot ng tulong


Nagpapatuloy ang isinasagawang Bayanihan ng mga Manileño para sa mga kababayan natin sa Visayas at Mindanao.


Namahagi ang ating mga volunteers ng food packs at bottled water sa ilang komunidad sa Cebu City, Lapu Lapu City at Consolacion.

Humigit kumulang 3,000 pamilya ang nabigyan ng tulong mula sa Tulong Manileño relief operation.


Samantala, nagtungo din ang ating mga volunteers sa mga bayan ng Tagbilaran at Loboc sa Bohol para mamahagi ng food packs at folding beds.


Lubos ang pasasalamat ni Mayor Isko sa mga kababayan nating nagpaabot ng tulong para sa mga biktima ng bagyo. (Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/ mtvn)

Leave a Reply