Hiling ni Pacquaio sa mga biktima ni Odette: Tibayan ang pananampalataya

Hiling ni Pacquaio sa mga biktima ni Odette: Tibayan ang pananampalataya

NI Tracy Cabrera

Ang Pambansang Kamao habang mataimtim na nanalangin. (Larawan: The Guardian)

MAYNILA — Habang ang pambansang bandila ay naka-half staff sa local government center ng Surigao City, nakiramay si incumbent senator at presidential aspirant Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao sa mga pamilya ng mga biktima ng super typhoon Odette (international name Rai) para sabihing napapanahon ngayon na ang mga Pilipino ay magkaisa sa pagtulong sa mga sinalanta ng kalamidad.

Nagbukas muli ang city hall sa Surigao apat na araw makalipas na bayuhin ni Odette, na batay sa mga ulat ay nagdala ng mas malakas na hangin at mas maraming tubig-ulan sa lungsod na siyang dahilan ng pagkaasira ng mga tahanan ng libu-libong pamilya at gayun din ang maraming imprastraktura at gusali.

Ayon kay Surigao city administrator Jerry Centro, nasa half-mast ang bandila ng Pilipinas “bilang pagpapahayag ng pakikipagdalamhati sa mamamayan ng Surigao na harap sa matinding kalamidad.”

“We sympathize with all the people of Surigao who lost their homes,” ani Centro.

Ngapahayag ng matinding kalungkutan si Pacquiao sa maraming nasawing buhay sanhi ng bagyo para tukuyin ang pinsala tinamo mula kay Odette at ang pagkawala ng maraming tahanan ng malaking bilang ng mga residente sa lungsod na nakaranas ng banta sa kanilang buhay sanhi ng malalakas na hanginj at malalim na pagbaha.

“Talagang nakakaawa ang kalagayan ng ating mga kababayan dito at maging sa iba pang mga lugar na tinamaan ng bagyo dahil nakakaranas sila ngayon ng matinding gutom at kakulangan sa tubig at iba pang mga pangunahing kailangan sa pang-araw-araw bilang pamumuhay,” wika ng Pambansang Kamao.

Pinaalalahanan niya ang mga biktima na huwag mawalan ng pag-asa dahil ang Diyos ay handang magbigay ng biyaya para sa mga nangangailangan, bukod sa mga tulong na pinagkakaloob ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga disaster response agency tulad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Idinagdag ni Centro na naging konsolasyon sa kalamidad ang mababang bilang ng mga nasawi habang ang lungsod ay nasa gitna mismo ng lugar na dinaanan ng bagyo..

Sa local government assessment na inilabas nitong Miyerkoles, 23,738 tahanan ang nangasira habang 19,424 ang nawasak para maapektuhan ang 50,957 pamilya.

“We need to pray even harder. Nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa kaya dapat na magkaisa tayo para sa kapakanan na atin kapwa na ngayon ay sayang kailangan ng ating tulong at panalangin,” pinuntro ni Pacquiao.

Sa huli, inulit ng eight-division world champion, na isa ring Kristiyanong pastor, ang halaga ng pananalangin at magkaroon ng pag-asang bubuti ang kalagayan dahil nakatalima ang Panginoong Diyos sa mga taong may pananampalataya sa Kanya. (ai/mtvn)

Leave a Reply