BONGBONG HINIKAYAT ANG MGA PINOY NA TULARAN ANG KABAYANIHAN NI RIZAL

BONGBONG HINIKAYAT ANG MGA PINOY NA TULARAN ANG KABAYANIHAN NI RIZAL

Presidential aspirant Bongbong Marcos kausap ang mga bata sa Marcos Village sa Mabalacat, Pampanga nitong Kapaskuhan

MANILA – Hinimok ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang mga Filipino na tularan ang katapangan, katiyagaan at pagiging makabayan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, na aniya ay posibleng pinakamabisang sandata natin para sa muling pagbangon bilang bansa sa anumang pagsubok.

“Instead of just dwelling in the accomplishments of Dr. Rizal, which paved the way for our nationhood, I am calling on every freedom-loving Filipinos to follow his vision, imitate the courage he showed in the face of great adversity, and persevere to excel in our respective endeavors because we can only grow as a nation if all of us have the same dreams and aspirations,” ayon sa pahayag ni Marcos bilang paggunita sa Rizal Day.

Idinagdag pa ng dating gobernador ng Ilocos Norte na muli tayong makababangon mula sa matinding pagsubok dulot ng patuloy na pananalasa ng Covid-19 at ang pagtama ng mga kalamidad, kung magkakaisa ang mga Filipino para maayos ang bansa, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala.

“Not too long ago, a wise man said that this nation can be great again. He said it over and over and he made it his article of faith. And like him, I am telling you now… Divine Providence has willed that you and I can now translate this faith into deeds,” ani Marcos.

Pinaalalahanan pa ni Marcos ang mga Filipino na dati tayong nangunguna sa South East Asia at kinaiinggitan ng mga kapitbahay na bansa dahil sa maganda at malagong ekonomiya.

Aniya kaya raw natin itong makamit muli, basta magtulungan at magkaisa.

“We will be great again as a nation and as a people. Sa gitna ng mga hamon at mga pagdarahop, tulong-tulong po tayong ibangon muli ang ating Inang Bayan. Iyan ay magkakaroon lamang ng katuparan kung isasapuso natin ang tunay na diwa ng nasyonalismo, pagsisikap, at pagkakaisa,” ayon pa sa standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Sa huli, hinikayat ni Marcos ang mga kababayan na pagtuunan ang pagsasaayos ng bansa at iwaksi ang pagkakahati-hati sa pulitika, kagaya ng kanilang panawagan na ‘mapagkaisang pamumuno’ at sabay-sabay na pagbangon muli.

“Nang itanong ni Crisostomo Ibarra kay Pilosopo Tasyo kung bakit siya nagsusulat ng hieroglyphics sa wikang Tagalog ganung hindi naman ito maiintidihan ng kaniyang mga kababayan sa kaniyang panahon, sinagot siya nito na nais niyang ipaalam sa mga susunod na saling lahi na hindi lahat sa panahon ng kaniyang mga ninuno ay natutulog. At ito rin ang mensaheng nais nating ipahatid sa ating mga anak, mga apo, at sa mga susunod na henerasyon… na tayo ay nagkaisa sa pinakamahirap na panahon at sama-samang inihaon ang bayan dahil tayo ay mulat na sa aral ng ating kasaysayan at hindi tayo natulog sa panahon ng pagsusulit,” dagdag ni Marcos.

Leave a Reply