Drive-thru blessing ng Black Nazarene replicas ginanap

Drive-thru blessing ng Black Nazarene replicas ginanap

Pinangunahan ni Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church) Rector Hernando “Ding” Coronel ang drive-thru blessing ng mga replica images ng Black Nazarene sa labas mismo ng simbahan sa Plaza Miranda nitong Martes, Disyembre 28, 2021 sa Quiapo, Maynila.

Ipinagpaliban ang aktibidad sa unang bahagi ng taong ito noong Enero 2021 dahil sa health protocols sa kasagsagan ng COVID-19.

Ang pagbabasbas ay tradisyon na palagiang nagaganap bago ang taunang aktibidad ng prusisyon o Traslacion ng Itim na Nazareno tuwing Enero 9.

Ayon sa mga opisyal ng Simbahan hindi pa rin tiyak ito’y magaganap ngayon bagong taon 2022.

(Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply