SERMONIA, 2 PANG SENIOR OFFICERS MAY DAGDAG ESTRELYA

SERMONIA, 2 PANG SENIOR OFFICERS MAY DAGDAG ESTRELYA

Ni Arwen Pascua

Nasa larawan sina PNP Chief  Gen. Dionardo Carlos, (kaliwa) at Lt. Gen. Rhodel O. Sermonia

MANILA — Tatlong senior officers kabilang ang isang nasa command group ng Philippine National Police (PNP) ang tumaas ang ranggo.

Masaya ang pagtatapos ng 2021 kina Police Major General Rhodel O. Sermonia, ikaapat na pinakamataas na opisyal ng PNP bilang The Chief Directorial Staff nang madagdagan ang kanyang estrelya sa balikat.

Ito ay nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang promosyon na ngayon ay Lieutenant General na.

Kasama rin sa umangat ang ranggo si Brigadier Gen. Michael John Dubria na ngayon ay Major General, at si Colonel Alden Bacarra Delvo, ngayon ay nakamit na ang unang estrelya o isa nang Brigadier General.

Batay sa rekomendasyon ni Interior Secretary Eduado Ano na may petsang Disyembre 28, nararapat nang iangat ang ranggo ng talong opisyal na tinanggap naman ni Pangulong Duterte at nilagdaan na nangangahulugang aprubado na ito.

Leave a Reply