AKTIBONG KASO NG COVID-19 SA PNP TUMAAS

AKTIBONG KASO NG COVID-19 SA PNP TUMAAS

PNP chief Gen. Dionardo Carlos

Ni Arwen Pascua
MANILA — Matapos umimpis ng isang linggo ang kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP), muli na namang lumobo ang bilang ng may sakit kasabay rin ng pagtaya ng OCTA Research na magkakaroon ng spike sa nasabing virus dahil nagsilabas ang mga tao nitong holiday season..

Batay sa datos ng PNP-Health Service, hanggang kahapon, Enero 1, ay mayroon nadagdag na 12 pulis na dinapuan ng COVID-19, kaya umabot na sa 42,274 na ang total cases sa police force.

Isang pulis naman ang gumaling kaya 42,110 na ang total recoveries habang 125 ang nasawi sa sakit na ang huling tala ay noon pang Nobyembre 10, 2021.

Umaasa naman si PNP Chief, Gen. Dionardo Carlos na agad ring makarerekober ang aktibong kaso na 39 kabilang na ang bagong 12 cases.

Samantala, 215,756 na pulis ang nakatanggap na ng kumpletong dose ng bakuna kontra COVID-19 habang 8,806 ang naghihintay ng ikalawang doses ng bakuna at 1,548 pulis ang hindi pa nababakunahan kung saan 678 ang may medical condition. (ai/mtvn)

Leave a Reply