Mamamayan hinikayat ng lungsod Caloocan na agad magpa-swab kapag nakaramdam ng sintomas ng Covid

Mamamayan hinikayat ng lungsod Caloocan na agad magpa-swab kapag nakaramdam ng sintomas ng Covid

Dahil sa muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, hinihikayat ng pamahalaang lungsod ng Caloocan na agad sumailalim sa swab test ang mga mamamayang nakararamdam ng sintomas o naging close contact ng nagpositibo sa virus.

Patuloy ang isinasagawang libreng RT-PCR swab test sa Caloocan Sports Complex at Caloocan People’s Park mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga.

Pinaaalalahan din ng pamahalaang lungsod na doblehin pa ang pag-iingat ng bawat isa lalo na’t may naitala nang Omicron variant sa bansa at sumunod sa safety protocols tulad ng maayos na pagsusuot ng face mask, paghuhugas o pagsa-sanitize ng kamay, at pagpapanatili ng social distancing. Higit sa lahat, magpabakuna kontra COVID-19.

(Aj Rabulan/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply