PNP CHIEF CARLOS POSITIBO SA COVID-19

PNP CHIEF CARLOS POSITIBO SA COVID-19

PNP chief Gen. Dionardo Carlos

Ni Arwen Pascua

MANILA — Dinapuan ng COVID-19 si Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Dionardo  Carlos at kabilang siya sa 164 aktibong kaso nito hanggang kahapon, Enero 3, 2022.

Inamin ng heneral sa PNP Press Corps na nagpositibo siya sa nasabing virus kasama ang kanyang aide at body guard.

Aniya, noong Enero 2, sumailalim siya sa RT-PCR test kasama ang staff niya nang isa sa kanyang tauhan na naka-detail sa White House ay mayroong lagnat.

Dumanas ng ginaw subalit walang ubo si Carlos habang ang kanyang oxymeter ay 98.

Normal naman ang blood pressure, gayundin ang kanyang baga  subalit idinadaing ni  Carlos ang body ache.

Ipinaalam na ni Carlos kay Interior Secretary Eduardo Ano at Senator Bong Go ang kanyang kondisyon.

Samantala, sa datos ng PNP-Health Service, 107 pa ang bagong kaso ng coronavirus disease, walang naitalang bagong recoveries at nanatili sa 42,081 habang ang kabuuang kaso na ay pumalo sa 42,370.

Nasa 215,916 na pulis na ang fully vaccinated, habang 8,702 pa ang naghihintay ng ikalawang dose at 1,492 pa ang hindi nababakunahan dahil sa pagkakaroon ng medical condition at dahil sa paniniwala.

(ai/mtvn)

Leave a Reply