“ANOTHER ONE BITES THE DUST”

“ANOTHER ONE BITES THE DUST”

MANILA — Isa pang petisyon na kumukwestyon sa presidential bid ni BongBong Marcos ang ibinasura ng COMELEC.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, kinumpirma ng second division ng poll body na dinismiss nila ang kaso na inihain ng namesake ni BBM na si Tiburcio Marcos, na nauna na nilang idineklara bilang nuisance candidate.

Sa reklamo ni Tiburcio, pinaratangan niya ang nagpakilalang “BongBong” na hindi umano tunay na anak ni late president Ferdinand Marcos Sr., dahil ang tunay na BBM aniya ay sumakabilang buhay na noon pang 1975.

Ito ang ikalawang petisyon na ibinasura ng COMELEC sa pitong petisyon na inihain sa kanila laban sa presidential candidacy ni BBM.

Nauna nang dinismiss ng election body noong December 16 ang kasong inihain ni Danilo Lihaylihay para ideklara si BBM bilang nuisance candidate. (ai/mtvn)

Leave a Reply