Iba’t ibang uri ng reptile species nasabat ng Customs

Iba’t ibang uri ng reptile species nasabat ng Customs

Nasabat ng  Bureau of Customs Port of NAIA ang dalawang parcel na naglalaman ng 22 Bearded Dragons at 6 Argentine Black at White Lizards na tinatayang aabot sa halagang   P210,000.

Ang mga nakumpiskang mga wildlife ay idineklarang ‘children toys’  ay nasabat sa BOC NAIA Central Mail Exchange Center (CMEC), Pasay City at galing pa ito ng  Samutprakarn, Thailand.

Ipinadala naman ito ni  ‘Anuphop Wilit’ sa isang indibidwal na may address sa Paranaque City.

Sa pamamagitan ng pagbabantay ng mga tauhan ng Customs-NAIA, ang nasabing mga parsela ay isinailalim sa x-ray at 100% physical examination na humantong sa pagkadiskubre ng mga live Bearded Dragons at Tegus.

Ang nasabing mga parcel shipment ay isinailalim sa seizure at forfeiture proceedings dahil sa paglabag sa Section 1113 ng RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act kaugnay ng Section 117 at RA 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act. (Jocelyn  Domenden/ mtvn)

Leave a Reply