Mega hospital facility tinayo sa loob ng NCMH

Mega hospital facility tinayo sa loob ng NCMH

Nagtayo ng isang mega modular hospital facility ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga umuusbong na nakakahawang sakit sa loob ng compound ng National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong City upang dagdagan ang mga health facilities  upang harapin ang kasalukuyan mga hamon sa kalusugan.
Sa kanyang ulat kay  DPWH Secretary Roger G. Mercado, sinabi ni DPWH Task Force for Augmentation of Health Facilities Undersecretary Emil Sadain na ang NCMH mega-hospital project ay my total capacity na 130 kama na mapapalakas sa paghahanda ng gobyerno  sa pagtugon sa banta ng kasalukuyang paglobo ng kaso ng COVID-19.

Ang nakumpletong mega hospital facility ay magpapalaki sa pangangailangan para sa mga hospital bed ng mga pasyenteng nahawaan ng COVID sa National Capital Region (NCR)  at mga karatig na probinsya mula sa CaLaBaRZon at Central Luzon habang muling tumaas ang mga admission sa ospital.

Kabilang sa mga modular hospital facilities na agad na kinumpleto ay ang  Quezon Institute-Philippine Tuberculosis Society Inc., Lung Center of the Philippines, Dr. Jose N. Rodriquez Memorial Hospital, National Kidney and Transplant Institute, V. Luna Medical Center, Pasig City General Hospital, Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center, Ospital ng Maynila, Valenzuela City Emergency Hospital, Batangas Medical Center, at  Southern Philippines Medical Center in Davao City. Jocelyn Domenden/ mtvn

Leave a Reply