NCLD nanawagang ipagpaliban muna ang May 9 elections

NCLD nanawagang ipagpaliban muna ang May 9 elections

MANILA — Para sa kabutihan at kaligtasan ng sambayanang Pilipino, ipagpaliban muna ang gaganaping 2022 VOTE S.A.F.E. PILIPINAS National and Local Election (NLE) na gaganapin sa Mayo 9, 2022, dahil sa hindi pa maayos ang kalagayan ng bansa sa pandaigdigang pandemya na Coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang panawagan ng grupong National Coalition for Life and Democracy (NCLD) sa pangunguna ng mga abogado na sina Atty Franciso ‘Arlene’ Buan Jr., Atty Fernando Cayago, at Atty Alexis dela Vega.

Ang grupo ng mga abogado ay nagbalik sa tanggapan ng Commission on Election (COMELEC) sa Intramuros, Manila, Martes ng umaga, Enero 4, 2022 upang agarang itakda ang hearing at manifestation at aksyunan ang petisyon na isinampa noong December 10, 2021 (SPA Case No.: EM 21-009), na naglalayong ipagpaliban ang nasyonal at lokal na eleksyon ngayong taon.

“Ang sinasabi namin dito sa petisyon na ito ang COVID andyan pa, Delta, Omicron variants, ngayon may bago pang nadiskubre mula sa Israel na Florona, flu plus Corona,” sabi ni Atty. Buan.

“Unless the elections is suspended or postponed, the exposure of people to death and health hazard will continue and intensify, a situation that is most unfair and suicidal on the part of all electors,” nakasulat sa petisyon ng grupo.

“Worst, many would be disenfranchised as people would, for fear of losing their lives, avoid going to polling precincts to cast their votes,” dagdag pa sa petisyon.

“The need to defer printing and holding of elections appears warranted, highly necessary, legitimate, prudent and proper,” batay sa petisyon.

“With the obtaining circumstances, the holding of a clean, free, orderly and honest elections appears highly difficult, if not impossible,” dagdag pa dito.

Pagkatapos ng maagang press conference sa Comelec, Intramuros, alas dos ng hapon ay nagsagawa rin ng presscon sa Verjandel Hotel sa Kalayaan Avenue, Quezon City and naturang grupo.

(This story first appeared on PIMAI News/Pinas Global News)-B. Cuaresma/ai/mtvn

Leave a Reply