Police naghigpit na sa seguridad sa paligid ng Quiapo church

Police naghigpit na sa seguridad sa paligid ng Quiapo church

Naghigpit na ang kapulisan sa seguridad sa paligid ng Quiapo kaugnay na rin ng nalalapit na pista ng Black Nazarene bagama’t inanunsyo na ang pagsuspinde muna nito sa gitna ng lumulubong kaso ng Covid.

Makikita sa mga larawan na aktong iniinspeksyon ni Manila Police District-MPD Director PBGen. Leo Francisco ang mga dumaraang mga tao at mahigpit na sinasala ang mga ito sa pagpasok sa entry point sa ilalim ng Quezon Bridge patungo sa simbahan ng Quiapo.

(Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply