Robbery suspects huli sa Pampanga

Robbery suspects huli sa Pampanga

Nakatanggap ng tawag sa telepono ang duty TOC operator ng tanggapang ito mula sa isang concerned citizen na may nangyaring robbery break-in sa Brgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga kaya’t agad pinag utos ni PLtCol Henry Bruno, COP ng Mabalacat Pampanga, ang isang dragnet at followup hot pursuit operation sa duty SDO kasama ang MPU at intel operatives.

Nagsagawa pa ng checkpoint ang mga miyembro ng istasyong ito sa Brgy. Camachiles Road, at habang nagsasagawa sila ng naturang checkpoint, nakita nila ang isang (1) Red Rusi tricycle na may sakay na tatlong (3) pasahero.
Sinubukan ng team na i-flag down ang tricycle para sa verification at inspection, ngunit hindi huminto ang driver ng tricycle at nag-U-turn para maiwasan ang otoridad. Sa pagkakataong ito, nagkaroon ng maikling habulan sa pagitan ng mga pulis at ng tumakas na mga suspek na sakay ng nasabing tricycle dahilan para mawalan ng kontrol ang driver nito at nauntog sa konkretong pader na nagdulot ng pinsala sa driver at isa sa mga pasahero nito habang ang isa sa mga suspek ay nakatakas sa pamamagitan ng pagtakbo sa hindi malamang direksyon.

Dinala ang mga suspek sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital, CSFP upang mabigyan ng atensiyong medikal.

Lumabas sa imbestigasyon na walang driver’s license ang driver, at nasa ilalim ng impluwensya ng alak. Kasalukuyang nasa kustodiya ng tanggapang ito si Orlando Quiambao Manarang para sa patuloy na imbestigasyon habang nasa ospital pa rin si Orlito Quiambao Manarang para magpagamot at mahigpit ding binabantayan.

Ihaharap ang mga suspek sa Mabalacat City Prosecutors Office para sa inquest proceedings. (Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ mtvn)

Leave a Reply