Comelec gun ban umarangkada na, isa nasampolan sa Bocaue

Comelec gun ban umarangkada na, isa nasampolan sa Bocaue

Nagsimula na kaninang madaling araw (12 a.m., 9 January 2022) ang Comelec election gun ban kung kaya’t sinimulan na rin ang paghihigpit ng mga kapulisan ang paninita sa checkpoints gaya nitong nasa mga litrato ng Region 3 kung saan mismong pinangunahan ni PRO3 Director PBGEN MATTHEW P BACCAY.

Magtatapos ang election gun ban sa June 8, 2022, o eksaktong isang buwan matapos ang May 9, 2022 national at lokal elections.

Ayon kay Director PBGEN BACCAY, mahigit sa 169 checkpoints at 1,300 ang pulis ang naka-deploy sa buong Region 3 checkpoints.

Mayroon na isang nasampolan na may dalang baril sa isang checkpoint sa Bocaue, Bulacan na agad sinampahan ng paglabag sa Comelec gun ban. (Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply